Sabe ni ina at ama, "Bukas ka na lang bumalik. Mag videoke muna tayo"... Sabe ko naman, "Ayaw. May bibilhin pa ko sa SM. blah. blah. blah. [dameng dahilan].
Lumayas na ko @ 5pm.
Eto na. Eto na. Waaa
1. Disaster sa jeep:
Sumakay ng jeep. Wala halos laman. Umupo sa front seat. Sobrang trapik sa palengke! Nakakatakot yung mga taong dumadaan. Andameng nanghihingi ng limos. May sumakay pa sa tabi kong matanda! Biglang nagtawag, "SM, SM, Zabarte, Almar". Hindi naman siya kilala nung driver. Ito dahilan: Wala siya pambayad.
'Pag lagpas sa palengke, may mukang adik na nagsabe, "Naku, miss, ingat ka diyan." (pertaining to the driver). Tae. Bigla akong kinabahan. Eto pa, tinanong ako kung 'san daw ba ko pupunta? uwi daw ba kong province. Anung paki niya? DEMOIT! Sinabe ko na lang, punta kong dorm.
Nung bumaba na si manong 123, may mga sumakay sa likod. TATLONG LASING! Nung una, ayos pa e. Nagkukwentuhan sila. Yung isa, katabi ko pa sa harap. Kainis, amoy alak. Tapos nung bandang Almar na. Nagkakayabangan na sa likod, nagtatanungan na ng FRAT. Tapos yung nagsasalita na yung isa about sa SUMPAK. Sabe niya, "tol, suportahan mo ko kung may makorsonadahan ako a? may dala ka ba jan?" sabe nung isa, "oo, tol. di kita iiwan. ikaw may dala ka ba jan" "siyempre naman" tapos may bumabang lalaki sa olympus na dapat sa Sacre pa ang baba. Biglang sabe nung mayabang, "tara, tol. Bugbugin natin yun? mas mataas na ko sa kanya ngayon. Mahahabol pa natin yun. Tara na." GRABE. Sobrang kinakabahan na ko nun. Feeling ko, wala ng dugo sa labi ko. Haha. Buti na lang bumaba na yung tatlong itlog na yun.. sabe nung driver, "Hanggang salita lang naman yung mga yun e"... Naisip ko tuloy, "Bakit manong, 'pag ikaw pinagtripan, kakasa ka?? Hahahaha"..
Pagdating sa olympus, medyo may shock pa ko sa mga pangyayari. Konti na lang yung mga nasa likod ng jeep. Then may sumakay na madame. Walo sila. Nahimasmasan ako kase nakakita ko ng gwapo. Nawala kaba ko. Kaya lang, nawindang din ako sa kanila. MGA BALIKBAYAN. First time lang makasakay ng JEEP. Mga galing nga CANADA. Mega picture sila sa loob. Tapos mega english. Para silang... ewan. Haha! Sabe pa nung isa, "If you ride on a jeep, make sure you take care of your belongings. There are these people who may snatch away your cellphone, your bag... everything." Nyek. Magsasabe siya ng ganun e lantaran yung mga gadgets sila sa loob. Buti sana kung sila lang pasahero. Haaaay....
Sa wakas, nasa SM na. Nagdinner ng shawarma.
2. Disaster sa FX
Forward. Backward. Forward. Backward. Buwisiiiiiit na FX yaN! Ang bilis tapos biglang PRENO. Shawarma pa naman dinner ko. Muntik na kong mag THROW-UP! brrrr...
^_^
Lesson learned:
Sumunod sa parents! WAHAHAHA
Sunday, December 13, 2009
Nakakawindang ng 5pm
Posted by sundaechoc at 5:17 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment