Pagtawa sa kabila ng pighati,
Ngiti sa kabila ng mga luha...
ngunit ito nga ba ang katotohanan?
tinatawanan nga lang ba ang mga problema?
nginingitian nga lang ba ang mga luha?
hindi kaya ito ang TAMA:
sinusubukang itago ang sakit na nararamdaman upang ikubli sa iba ang katotohanang mahina ka?
hindi kaya nakakapagod na ang ngumiti sa mga tao kung ang totoo'y namimighati ka na?
itatak mo sa iyong isipan...
unti-unti kang kakainin ng sakit na pilit mong itinatago sa iyong puso.
masaklap mang isipin, HINDI MO NAITATAGO ANG TOTOO MONG NARARAMDAMAN. mas higit na makikita ang pait sa iyong mga ngiti. mas higit na mapapansin ang hapdi sa bawat salitang iyong binibitiwan.
hindi ka ba naaawa sa mga taong nasasaktan dahil nasasaktan ka?
mga taong hinihintay na ibigay ang tiwala mo sa kanila?
kaunti na lang ang panahon, kapatid.
hihintayin mo pa ba ang hangganan?
tama na ang patatago.
tama na ang pagkubli.
mas masakit.
mas mahapdi.
mas mapait.
wag kang mag-alala kapatid.
hindi lahat ng oras batbat ka ng suliranin.
may mga taong naghihintay sa iyo.
naghihintay na ngumiti ka mula sa iyong puso.
isang ngiting malaya sa lahat ng hapding iyong nadama.
isang ngiting makapagpapasaya sa mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal.
isang pagkakataong ipinagkakait mo sa iyong SARILI sa bawat ngiting iyong dinadaya...
ayaw mo ba maging TUNAY NA MASAYA?
Thursday, March 18, 2010
sa likod ng maskara
Posted by sundaechoc at 6:09 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
hahaha... lalim ah.. para naman kanino yan? parang ngayon ko lang 'to nabasa ah.. :D
Post a Comment